Imik
Mhot
3:24Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang 'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm Mga pahayag dyan na puro lamang kababalaghan ang kabulaanan Umaakma ngang may pakpak ang balita na minsan ay manananggal ng katotohanan Madali nang makuha mga kuru-kuro na nanggaling sa duda Dumidirekta sa hula, narinig sabay ulat Tsismis nga siguro ang syang tema ng luga kung may tenga ang lupa Lahat hinahalukay para ungkatin, bawas ang totoo at dagdagan ng malagim Mga istoryang kulang ay manipulahin, sa pandodoktor naglalabasan ang galing Pag masakit ang tunay, ayaw punahin, bawal isigaw, 'wag na lang daw palabasin Kapag bulung-bulungan naman ang usapin, bakit kung saan-saan pa nakakarating? Malakas ang mga agam-agam, marahas kapag nagpaparatang Pangahas na bagamat baka lang, agad-agad pagpapasa-pasahan Pag mataas-taas na ang pangalan, mas magandang paksa at kasangkapan Kaya ang haka-haka na naglalabasan ay parang baka na nagagatasan Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang 'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm Tagpi-tagping detalye, tahi-tahing sinalin Tila hati-hati na salita ang sinasabi Akma rin na wala ngang pasintabi Makapagsaliksik lang, handang makisiksik at makisali Nakatiktik na parating lumilikha ng butas sumisira, pumupuslit ang dila Kahit ga'no kapribado, pakubli na sumisipat Magaling nga manghimasok ang masusi umusisa Basta may intriga, bukas ang pandinig, sa pansin ay umaagaw parang sipol na tunog Minsan ay hindi na humahanap ng pruweba, tumutuon na lang sa nanghihimok na kutob Kasinungalingan ang sumasarang kadena sa utak, pag tuluyan nang naipon sa loob Yan ay parang hangin na bumabara sa tenga pag ang katotohanan ay hindi mo malunok Malakas ang mga agam-agam, marahas kapag nagpaparatang Pangahas na bagamat baka lang, agad-agad pagpapasa-pasahan Pag mataas-taas na ang pangalan, mas magandang paksa at kasangkapan Kaya ang haka-haka na naglalabasan ay parang baka na nagagatasan Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang 'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang 'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm