Siklo
Mhot
4:36Daming papeles na kailangan sa pangalan, katibayan o sa pagkakakitaan Kaya dapat mong agahan at magtyaga sa mahaba-habang hintayan Kalimitang eksena, gitgitang helera Bwisit na sa inip at maiksi na pasensya Ngunit sa haba ng pila, masasagip ka ng pera Pinakamadaling daan ay sa ilalim ng mesa Mabilisan o rektang may kaakibat na bayad Dagdag kita agad sa nangangasiwang mapalad Malagong kolektahan sa patagong konektahan Tumatakbo ang sistemang kayang gawin ng palakad Samantalang sa ugali, pansin ko marami Ang galit sa mandarambong, ganid, sakim o salbahe Pero pag sa'tin ang pabor, handa ring manabutahe Sabay hipokritong sabi, yan ang Pinoy madiskarte Teka, teka muna aber! Aba, mahusay nga tayo Kulay pa lang ng papel, alam agad kung magkano Ganon din ang salapi at ang patunay na kaso Kaya na ring alamin tunay na kulay ng tao kaya 'Di na kataka-taka mga nagwatak-watak papunta sa kanya-kanya Pagkat katawa-tawang kahit sa barya-barya Pag hindi na patas ay dun pa nagtatabla-tabla Sa nasirang kasunduan, tiwalang nabuo, mabilis ang pag rupok hanggang mabali nang tuluyan Hatian o utang, kapag naging gulo, ultimo magkadugo, sila pa nagkakaduguan Kung kaya't kilala ang lahi natin bilang palaban Ngunit ang tapang na gamit, minsan ay labis naman Kapayapaang hangarin, naging kabaliktaran Banta na rin kapag sinabing pasensyahan na lang Kaya paumanhin na lamang kung ang naisip kong gawin ay ungkatin at ilarawan Ilan sa mga mali na nating gawi o kinasanayang Alam mo rin naman kaso nga lang karaniwan na lang ding maisawalang kibo't hayaaan Sa simpleng alituntunin, nasusuri na ang modo Usaping disiplina parang 'di tinuturuan Malaking kinikita pagdating sa panloloko Kaya pagkapit sa patalim, 'dali na ring subukan Hanggang sa di na kayang sindakin ng kaloboso Dahil sa hirap, napipilitang pati mali, patulan Nagsilipana sa kalsada ang mga dorobo Tila mulat na sa kaguluhan, ingay at kumpulan 'Wag ka na magtaka kung ba't marami ang tsismoso Hilig maki-isyoso sa kabila ng natutunang Mangialam ka lamang sa sarili mong negosyo Kaso marami sa'tin ang wala ngang pampuhunan Habang may pakpak ang balita tulad din ng loro Pwede nang idikta ang sasabihin sa lipunan Dami pang hinaing ang maisasabay sa tono Kaso papel ko mismo ang tingin kong magkukulang Tingin kong magkukulang kaya hindi pa tapos 'Di nagtapos Tulad ng nakagisnan na paghihikaos Usapan ay marami kung pagiging kapos